Wednesday, October 14, 2015

Going Out In Prison Cell

Walang sinumang taong may kasalanan o wala ang gustong mananatili sa loob ng piitan. Sa kadahilanang ito'y malaking dagok sa kanilang buhay ang pagkakaroon ng walang layang magagawa ang kanilang gusto. Lahat ng galaw sa piitan ay alinsunod sa batas na pinaiiral nito. Maling galaw ay may kaakibat na kaparusahan. Di tulad ng buhay sa labas ng piitan, makakagalaw ka o magagawa mo ang gustong gawin na walang nakamasid sayo o nagbabawal na gawin ang isang bagay na gusto mong gawin. Gaya ng maglibot-libot sa malalayong lugar, walang limit sa gusto mong kainin at iba pang bagay na makapagpasaya sayo. Malaki ang pagkakaiba ng buhay ng nasa loob ng piitan kaysa nasa labas ka ng piitan. Sa loob ng piitan limitado ang iyong nakikita at pati pag galaw ay limitado din, pati ang pakikisalamuha sa mga mahal sa buhay. Pero kung minsan ang buhay na nasa labas kung ito ay walang kabuluhan sa iyo dahil di ka marunong magmahal sa kapwa at wala ding nagmamahal sayo ay para na ring ikaw ay na ka tulong sa mundong walang kulay at liwanag. Kung minsan naman ay, sa loob ng piitan maski limitado ang gustong gawin,kung maraming nagmamahal sayo ay para na ring masasabi mo na di hadlang ang apat na sulok at bakal na rehas na nakaka paligid sayo sa kaligayahang natatamo sa loob ng piitan. Subalit ang lahat ng ito ay depende sa pananaw mo sa buhay . Ronessa B. Fabula - AcTec 1-A

No comments:

Post a Comment