Wednesday, August 12, 2015

Who Am I Without You

Sabi ng mga ibang tao maganda raw akong pakisamahan kasi hindi raw ako madaling magalit, mainis, at manghusga at inaamin ko pinalaki ako ng mga magulang ko na maging mabait sa aking kapwa tao huwag raw dapat akong manghusga dahil wala akong karapatan na gawin ang mga bagay na iyon. Sino ako kung wala sila? ang  tinutukoy ko sa salitang "sila" ay ang aking pamilya dahil sila ang unang nag turo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng tama o  mali na mga gawain.Sa kanila ko natutunan ang mga bagay na mahirap ipaintindi ng realidad sa akin at sa kanila rin ako lumalapit kapag may mga problema ako na hindi ko kayang solbahin ng mag isa.Sila ang aking karamay sa ano mang pagsubok na aking tinatahak hindi nila ako pina pabayaan na mag isa sa aking tinatahak na landas lagi nila akong ginagabayan sa lahat ng aking ginagawa they always there for me to support in all my dicisions in life and to remind me always to be good to the other person.Siguro kung wala sila sa aking buhay ibang tao ako ngayon iba siguro ang aking pag uugali na pinapakita ko sa mga tao, walang modo, walang paki alam sa mararamdaman ng iba at walang galang sa ibang tao kasi naniniwala ako na sa iba't ibang pamilya iba-iba rin ang natutunan ng mga anak basi rin sa kanilang nakikita sa loob ng kanilang tahanan ang laki ng pasasalamat ko na sila ang aking naging pamilya dahil sa kanila ganito ako ngayon. :)