Wednesday, October 14, 2015

Journal About Documentary Film

Na excite ako nung sinasabi ni Ma'am na magkakaroon kami ng documentary film dahil first time ko na  ma encounter ang ganitong project at dahil hind rin ako taga davao first time ko rin na mapuntahan ang mga lugar na aming pinuntahan. Ang lugar na aming pinuntahan ay ang Dumalag Matina Aplaya at nagulat ako sa lugar dahil hindi ko alam na may dagat pala sa kaloob looban nito habang papalayo na kami sa city ay na gandahan ako sa lugar dahil first time ko makakita ng tinatawag nilang floating house at pag dating namin sa aming pakay na barangay ay nag karoon kami ng kaunting problema dahil ang aming kakausapin sana ma matanda o ang aming eenterviewhin ay hindi namin malaman ang exact address dahil ang magbibigay sana amin ng kanyang address ay nag karoon ng migraine kaya hindi raw namin sya pwedeng gisingin at dahil kami ay mababait na bata..hahaha.. ginawan ng paraan ng kanyang asawa ang aming problema hinanapan nya kami ng matanda sa kanilang lugar at saktong may kapitbahay silang bedridden na matandang babae at pagpunta namin sa bahay ng matanda ay nahirapan kami pumasok dahil mga tagping tagpi na mga kahoy na ginawang tulay ang aming dadaanan at pagka tawid namin sa dulo ng tulay ay naka upo si Aling Theresa sa gilid ng tulay at hindi rin kami maka pasok sa kanilang bahay dahil apat na tao lamang ang pwedeng pumasok dahil na rin sa kaliitan nito. Pakatapos namin interviewhin si Lola ay nag ambag kami ng kaunting tulong para sa kanila..
Nagkaroon man ng mga problema sa pag gawa ng aming project masasabi ko na pinaka masayang project sa first semester ko dahil first time ko na maka bonding ang mga new friends ko sa college. :) Ronessa B.Fabula - AcTec 1-A

Going Out In Prison Cell

Walang sinumang taong may kasalanan o wala ang gustong mananatili sa loob ng piitan. Sa kadahilanang ito'y malaking dagok sa kanilang buhay ang pagkakaroon ng walang layang magagawa ang kanilang gusto. Lahat ng galaw sa piitan ay alinsunod sa batas na pinaiiral nito. Maling galaw ay may kaakibat na kaparusahan. Di tulad ng buhay sa labas ng piitan, makakagalaw ka o magagawa mo ang gustong gawin na walang nakamasid sayo o nagbabawal na gawin ang isang bagay na gusto mong gawin. Gaya ng maglibot-libot sa malalayong lugar, walang limit sa gusto mong kainin at iba pang bagay na makapagpasaya sayo. Malaki ang pagkakaiba ng buhay ng nasa loob ng piitan kaysa nasa labas ka ng piitan. Sa loob ng piitan limitado ang iyong nakikita at pati pag galaw ay limitado din, pati ang pakikisalamuha sa mga mahal sa buhay. Pero kung minsan ang buhay na nasa labas kung ito ay walang kabuluhan sa iyo dahil di ka marunong magmahal sa kapwa at wala ding nagmamahal sayo ay para na ring ikaw ay na ka tulong sa mundong walang kulay at liwanag. Kung minsan naman ay, sa loob ng piitan maski limitado ang gustong gawin,kung maraming nagmamahal sayo ay para na ring masasabi mo na di hadlang ang apat na sulok at bakal na rehas na nakaka paligid sayo sa kaligayahang natatamo sa loob ng piitan. Subalit ang lahat ng ito ay depende sa pananaw mo sa buhay . Ronessa B. Fabula - AcTec 1-A

My Family and My Neighbors Family

Neighbors sila ang ating malalapitan kapag tayo ay may kailangan nariyan rin sila sa mga araw na kailangan natin ng tulong sa ano mang oras.Ang aking pamilya at pamilya ng aking mga neighbors ay tulad rin sa iba nagtutulungan kapag may roong problema.Some of my neighbors are my childhood friends.Bata palang kami ay magkakaibigan na kami at laging naglalaro sa kalye minsan nga ay nakikitulog na kami sa kanilang bahay dahil walang tigil ang aming laro.Masasabi ko na parang pamilya kami dahil lahat kami ay close sa isa't isa pero dumaan ang maraming panahon at dahil kami ay nag aaral pa naging madalas na lang ang aming pagkikita at paglalaro pero ngayon na kami ay malalaki na halos hindi na kami gaanong magkakilala dahil may mga kanya kanyang buhay na kami may mga sariling kaibigan na rin kaya tuwing makakasalubong ko sila ay ngingiti na lamang ako..pero siguro darating rin ang panahon na babalik rin ang aming pagkakaibigan..that's may family ang my neighbors family.. :) Ronessa B. Fabula - AcTec 1-A